-- Advertisements --

Magpapatupad umano ng partial operations ang MRT-3 mula Oktubre 10 hanggang 11 upang magbigay-daan sa gagawing mga pagkukumpuni.

Ayon kay Michael Capati, director for operations ng MRT-3, suspendido muna ang operasyon mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue sa darating na Sabado at Linggo para sa repairs, kabilang na ang mismong riles.

Tuloy naman aniya ang serbisyo mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard sa weekend.

Noon pa raw sana naka-schedule ang maintenance work ngunit na-delay dahil sa coroavirus pandemc at sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine.