DAVAO CITY – Ililibing ngayong araw ang isa sa mga partisipante ng Ironman 70.3 triathlon matapos na binawian ito ng buhay kahapon matapos na siya ay inatake sa puso sa kasagsagan ng swimming course ng nasabing karera. Kinilala ang namatay na si Jerry Kasim, 49 anyos, isang beterano at kilalang swimmer at swimming coach dito sa Davao City. Sinubukan pang dalahin ang atleta sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) ngunit binawian na ito ng buhay.
Kilala sa Davao City si Kasim dahil sa kanyang taglay na husay at galing sa isport na swimming na nagbigay sa rehiyon ng mga medalya sa Palarong Pambansa at National PRISAA Games.
Isa rin itong empleyado ng DepEd Davao at naging coach rin sa sa pipila ka mga swimming teams sa rehiyon.
Ngayong araw Marso 27, nakatakdang ilibing si Kasim base sa tradisyong Islam.
Liban dito, sinabi ni Mikey Aportadera, hepe ng City Sports Development Division, na base sa kanilang initial assessment, sa kabila ng mga natanggap na report patungkol sa atleta na nasugatan sa bike course at sa mga atleta swim course, ang lahat ng athlete ay nakatawid sa kompetisyon.
Nanalo din sa prestihiyosong Tribo Maisugon award ang Tri SND Barracuda na tubong-Sultan na si Naga Dimaporo, Lanao Del Norte, na nakatanggan ng P500,000 at tropeyo na inukit ni Mindanaoan visual artist Kublaii Millan.