Kinumpirma ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) President Gov. Reynaldo Tamayo ng South Cotabato na mayruong pag-uusap ang kanilang partido hinggil sa posibleng alliance at coaltion sa iba pang political parties sa bansa.
Tumanggi muna si Tamayo na banggitin kung anu-anong mga political parties ito dahil ongoing pa ang pag-uusap.
Inihayag ng gobernador na hindi kasama sa kinakausap ng Partido Federal ng Pilipinas ang Hugpong Nang Pagbabago ang partido ni Vice President Sara Duterte.
Paliwanag ni Tamayo na nagkaroon ng alliance ang HNP at PFP nuong 2022 election at pagkatapos ng eleksiyon natapos na rin ang alyansa.
Dagdag pa ni Tamayo na para sa 2025 elections iba na namang alyansa ang bini-build up ng ng PFP.
Aniya, bukas pa rin ang PFP sa pakikipag-alyansa sa HNP at maging sa iba pang mga political parties.
Ang mahalaga ay iisa ang mapagkasunduan.
Ibinahagi din ni Tamayo na nananatili pa rin ang diwa ng Uniteam pero ang kasunduan ay nagtapos na pagkatapos ng halalan.
Gayunpaman sinabi ng gobernador na magkakaroon muna ng general assembly posible sa buwan ng September or October ang partido at posibleng ihahayag na dito kung sinu sinong mga kandidato pagka senador ang susuportahan ng Partdio Federal ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay pinaplantsa pa ng partido ang kanilang senate slate.