Lumagda ng alyansa ngayong araw ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang partido ni Pang. Ferdinand Marcos Jr at ang Nacionalista Party.
Ang alyansa ay nilagdaan nina Nacionalista Party Executive Director Mark Villar at PFP President Reynaldo Tamayo.
Ang paglagda ay tinunghayan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr at ng iba pang mga opisyal ng dalawang partido.
Ayon kay Partido Federal ng Pilipinas President Gov. Reynaldo Tamayo ito na ang ika-apat na alyansa ng kanilang partido sa iba pang malalaking political party sa bansa.
Sinabi ni Tamayo umaasa siya na dadami pa ang bilang ng mga political party ang makikipag-alyansa sa kanila.
Kabilang sa mga political parties na nakipag alyansa sa PFP ay ang Lakas-CMD; National Peoples Coalition (NPC), National Unity Party at Nationalista Party.
Sinabi ni Tamayo ito ay tanda aniya ito ng pagkakaisa at pagsasama sama ng mga partido tungo sa pagkamit ng hangarin ng pagkakaisa ng administrasyong marcos.
sa ngayon sinabi ni tamayo na wala pa silang maipresintang listahan para sa senatoriables hanggat hindi pa nakukumpleto ang pakikipag alyansa ng pfp sa iba pang partidong politikal.
Pag uusapan pa aniya nila ito at sa tamang panahon ay mabubuo rin ang line up.
Tiniyak naman ni Tamayo na bago ang filing of certificate of candidacy sa oktubre ay mayroon na silang mabubuong listahan ng mga pangalang isasabak sa pagka senador para sa 2025 national elections.
Sinabi naman ni Nacionalista Party National Director Senator Mark Villar na ang pag aalyansang ito ay bilang pagsuporta sa reform agenda ng administrasyong Marcos kabilang dito ang demokrasya, social justice, reporma at pag unlad.