-- Advertisements --
Tinanggal na ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) si dating presidential executive secretary Atty. Vic. Rodriguez.
Isinagawa ang desisyon ng partido noong Nobyembre 11.
Ayon sa partido na dahil sa kawalan ng kakayahan para mamuno sa partido si Rodriguez bilang public servant.
Nagkaroon umano ng pang-aabuso at pagkasira sa tiwala at kumpiyansa kay Pangulong Ferdinand Marcos si Rodriguez.
Paglilinaw ng partido na hini nakialam si Pangulong Marcos sa paglabas nila ng desisyon para patalsikin si Rodriguez.
Kasabay din nito ay inanunsiyo nila ang pagtalaga kay Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo bilang Executive Vice President ng partido.