-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Dismayado ang Partido Manggagawa sa 40-pisong minimum wage increase para sa National Capital Region o NCR na inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWP.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Wilson Fortaleza, deputy secretary general at tagapagsalita ng Partido Manggagawa, ito ay mas mababa pa sa 100-pisong wage recovery na kanilang hiningi upang mabawi lang ang nawawalang purchasing power ng mga trabahante dahil sa mataas na inflation rate.
Wala umano ito sa kalahati sa nawawalang 88 hanggang 100-piso sa sahod ng mga trabahante sa nasabing rehiyon at barya lang din ito kung kaya’t walang epekto sa pang-araw araw na gastusin ng mga manggagawa.