BUTUAN CITY – Positibo ang Partido Manggagawa na maipapasa sa Senado ang Senate Bill (SB) 2534 na naglalayong madadagdagan ng 100-piso ang daily minimum wage ng mga trabahante sa pribadong sektor sa buong bansa.
Ito’y matapos itong umabot sa plenaryo ng Senado matapos na walang oposisyon sa unang pagbasa nito.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Partido Manggagawa spokesperson Wilson Fortaleza na ikinatuwa nila ang takbo ng hearing lalo na’t nasa second at third and final reading na ito ngayon na tumugma umano sa kanilang panawagang sweldo’y taasan at cha-cha o charter change ay iwasan.
Kailangan umano itong maipapasa kaagad upang makatawid na sa poverty treshhold ang mga Pinoy lalo na ang mga taga-Mindanao na ngayon ay mababang-mababa ang sahod kung ikukumpara sa mga taga-Luzon.