Ipinanukala ng partido ni dating Sen. Gringo Honasan ang pagbuo ng ‘paramilitary groups’ sa ilang mga pangunahing lokasyon katulad ng mga lugar malapit sa WPS.
Sa isang statement na inilabaw ng Reform PH Party na pinamumunuan ni Honasan, ito ay upang mapalakas ang pagprotekta sa soberanya ng bansa sa ilalim ng teritoryo at exclusive economic zones (EEZ) nito.
Batay sa naturang statement, ang mga paramilitary ay maaaring sumailalim sa training at tutulong sa AFP para maprotektahan ang bansa.
Maaari ding tumulong ang mga ito sa mga disaster preparedness and relief operations.
Sa kabila ng suhestiyon, nilinaw naman ng grupo na hindi ito nangangahulugan ng panawagan para sa isang digmaan.
Ayon sa grupo, walang nagnanais na magkaroon ng digmaan dahil sa tiyak na maaantala ang pagbangon ng ekonomiya at mapayapang pamumuhay.
Gayunpaman, kailangan umano ang pagiging handa ng bansa.