Inilampaso sa katatapos lamang na halalan sa Germany ng makakaliwang grupo na Social Democratic Party (SPD) ang partido na conservative party ni Chancellor Angela Merkel.
Lumabas sa botohan mula sa 299 na electoral districts ng Germany ang Social Democratic Party ay nanalo ng 25.7% sa mga boto upang talunin ang Christian Democratic Union (CDU) na itinuring na centrist-right party.
Ang naganap na halalan ay kasunod na rin nang mahigit sa 16 na taon na panunungkulan ni Merkel.
Sa ngayon wala pang kasiguraduhan kung sino ang susunod na lider ng Germany dahil kinailangan pa ang negosasyon ng SPD para sa pagbuo ng bagong gobyerno.
Sinasabing mag-aantay muna si Merkel bago iwanan ang puwesto hangga’t hindi nakakabuo ang coalition ng deal na inaasahang tatagal pa ng ilang buwan.