-- Advertisements --

CEBU CITY – Iginiit ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na bilang isang miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na malaya ang kapwa mga ka-partido nito na umalis o lumipat sa ibang grupo.

Dagdag pa ng opisyal na walang pipigil sa isang miyembro kung aalis na ito sa grupo.

Binigyan linaw rin nito nanatiling “solid” pa rin ang partido at walang nangyayari na paksyon o pagkawatak-watak.

Iisa laniya ang layunin ng grupo at ito ang suportaan si Presidente Rodrigo Duterte lalo’t umiinit ang bangayan nito sa panig ni Senator Manny Pacquiao.

Kung saan, kapwa sa ilalim ng partidong PDP-Laban si Pacquiao biling presidente samantalang chairman ng partido si Duterte.

Kamakailan lang, binanatan ulit ng presidente ang fighting senador dahil sa alegasyon na lalong lumala ang korupsyon ng Pilipinas sa ilalim ng kasulukuyang administration.

Iginiit ulit ni Sec. Nograles na may sistemang tinawagan ang partido na ‘grievance mechanism’ kung saan maari itong mag-reklmo sa partido at dadaan ito sa due process para masolusyunan ng PDP-Laban ang inihaing reklamo ng miyembro.