Kinilala ni Justice sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla ang malaking papel ng Bombo Radyo laban sa cyber crime at paghahatid ng napapanahong impormasyon mula pa noong mga nakaraang dekada.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Remulla, inamin nitong vital ang role ng main stream media sa kampanya laban sa cyber related crimes, lalo’t ang mga krimen sa internet ay napakalawak at napakaraming maaaring maapektuhan.
Ginawa ng kalihim ang pahayag, kasabay ng pinaiigting na kampanya ng pamahalaan laban sa cyber crime at iba pang mga masasamang gawain, na nakapambibiktima hanggang sa mga walang malay na kabataan at sumisira ng napakaraming buhay.
Para kay Remulla, kailangang-kailangan ang partisipasyon ng traditional media para mapigilan ang pagkalat ng krimen sa cyber space.
“Cybercrime ang isa sa mahirap resolbahing isyu dahil malawak talaga ang cyber world na ginagalawan ng mga nasa likod nito,” wika ni Remulla.