CENTRAL MINDANAO- Bilang tugon sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na palakasin ang partisipasyon ng mga Civil Society Organizations (CSOs) sa implementasyon ng mga programa at serbisyong ibinibigay ng mga lokal na pamahalaan, isang CSO conference ang isinagawa sa Provincial Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City.
Ang pagtitipon ay pinangunahan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) sa pakikipagtulungan ng DILG kung saan isa ito sa mga panuntunan at batayan upang mabigyan ng akreditasyon ang isang CSO na maging representante ng Local Special Bodies (LSB).
Suportado naman ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza ang hakbang na ito ng DILG na akma rin sa kanyang 12-point agenda na naglalayong lalo pang palakasin ang partisipasyon ng CSOs at Non-Government Organizations sa pagpapatupad ng mga programa sa komunidad.
Ang CSO conference ay dinaluhan din nina DILG Provincial Director Ali B. Abdullah, Board Members Joemar S. Cerebo at Ma. Krista B Piñol-Solis, Planning Development Office III Lourdes D. Oracion, EnP at LGOO II Aslamia K. Anggie.