-- Advertisements --

Muling binigyang-diin ng isa sa mga co-chair ng House Quad Committee ang hamon nito kina Sens. Ronald “Bato” dela Rosa at Lawrence “Bong” Go na panatilihin ang kredibilidad ng Senado kaugnay sa ikinakasang pagdinig sa war on drugs ng dating Pang. Rodrigo Duterte.

Ayon kay Santa Rosa Laguna Rep. Dan Fernandez sana magkaroon ng delicadeza ang dalawang senador lalo at maraming ebidensiya ang na sila ay chief implementer ng anti-drug campaign ng dating administrasyon.

Nanawagan ang House leader kina Senate President Francis Escudero at Sen. Aquilino Pimentel lll na sabihan ang dalawang kasamahan na huwag makisawsaw sa imbestigasyon ng Senado.

Naniniwala si Fernandez sa sense of fairness and impartiality ng dalawang senate leaders.

Ayon kay Fernandez si Dela Rosa ang overall  incharge sa anti drug war campaign habang si Go ang incharge sa reward system.

Aniya hindi maaring basta nalang makilahok sa pagdinig ng senado ang dalawang senador sa pamamagitan ng impartial at unbiased na paraan.