Nagbigay ng P5-milyon halaga ng protective equipment ang Party-list Coalition Foundation para mga frontliner at mga ospital sa Metro Manila sa gitna public health crisis dulot ng coronavirus disease (COVID-19).
Aabot sa 150,000 piraso ng face masks, 1,300 piraso ng goggles; 40,000 piraso ng gloves; at 1,300 piraso ng personal protective equipment (PPE).
Ipamamahagi ang mga ito sa PGH, Phil Heart Center, Lung Center, NKTI, San Lazaro Hospital, East Avenue Medical Center, RITM, Rizal Medical Pasig, Pasig General Hospital, Ospital ng Maynila, Bicol Regional Training and Teaching Hospital, Bicol Medical Center, Quezon Medical Center.
Bukod sa mga ito, ipapamahagi rin ang mga protective equipment na ibinigay ng Party-liwt Coalition Foundation sa Fabella Hospital, Lingad Hospital, UST, Region 1 Medical Center, San Juan Medical Center, QCGH, Jose Rodriguez Memorial Hospital, Jose Reyes at maging sa AFP at PNP.
Sinabi ng ilang kongresista na ang matitirang pondo anila ay irereserba naman para sa testing kits sa oras na maging available na mabibilhan.