Handang isiwalat ng party-list coalition sa Kamara ang sinumang nagnanais na maging Speaker sa 18th Congress nag-aalok suhol kapalit ang kanilang suporta.
Sinabi ni Party-list Coalition president at 1-Pacman Rep. Mikee Romero na inatasan na niya ang kanyang mga kasama sa grupo na i-expose ang Speaker-aspirant sa oras na inalok sila ng pera.
Ayon kay Romero, “insulto” para sa coalition, na may 54 na miyembro, kung alukin sila ng isang Speaker-aspirant ng pera kapalit ang kanilang suporta.
Nauna nang sinabi ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, isa sa mga nagnanais na maging Speaker sa 18th Congress, na nasa P500,000 hanggang P1 million ang iniaalok sa bawat kongresista kapalit ang kanilang boto.
Sa oras aniya na tanggapin ng isang kongresista ang pera mula sa Speaker-aspirant, kailangan daw ng nauna na lumagda sa isang “manifesto of support.”
Pero umaapela si Romero na ihinto ang suhulan kung ito ay totoo man at sa halip dapat daw matuto ang mga Speaker-aspirant na ligawan sila.
Ang hangad lamang daw kasi ng party-list coalition ay magkaroon ng equal treatment sa pagitan nila at ng mga district representatives pagdating sa mga posisyon mga komite sa Kamara.