-- Advertisements --
House of Rep
House of Rep/ FB post

Nanindigan ang 54-member Party-list Coalition sa mababang kapulungan ng Kongreso sa kanilang panawagan na equal representation sa leadership positions sa Kamara bilang prerequisite sa pagpili ng magiging susunod na Speaker.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Deputy Speaker Sharon Garin na tumatayong chairman emeritus ng coalition, ang hinahanap nila sa isang Speaker ang makakapagbigay sa kanila ng katiyakan ng equal treatment at pagkilala.

“Kung ang party-lists, by law, is 20 percent of the composition of the House, we’re looking for 20 percent of the chairmanship,” ani Garin.

“What is properly due to the coalition, that is what we are asking for. Equal treatment among parties including the party-list coalition,” Dagdag pa nito.

Partikular na sinabi ni Garin na hangad ng Party-list Coalition na magkaroon ng kinatawan sa leadership posts sa Kamara, katulad na lamang ng isang deputy speaker dalawang members sa Commission on Appointments, dalawang members sa House Representatives Electoral Tribunal, mga miyembro sa Committee on Rules, at nasa 10 chairmanship posts sa standing at special committees

Samantala, binigyan diin naman ni 1-PACMAN party-list Rep. Micheal Romero, presidente ng Party-List Coaltion, na marapat lamang na ang susunod na llider ng Kamara ay makakapagbigay sa kanila ng equal treatment sa kapulungan sa 18th Congress.

Dagdag pa nito, iisa lamang ang magiging boto ng Party-List Coalition para sa speakership post.

Nauna nang nakipagpulong ang coalition sa tatlong nagnanais sa speakership post para kausapin ang mga ito tungkol sa kanilang legislative agenda at para na rin maipaabot sa mga it ang kanilang mga ninanais.