Tiniyak ng Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI) ang kanilang buong suporta sa 11 senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang official slate ng administrasyon para sa nalalapit na 2025 midterm elections.
Ang nasabing hakbang ay ginawa matapos ang pulong ng Lakas-CMD na pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez kung saan pinagalaw na nila ang kanilang mga resources sa buong bansa para manalo ang 11 kandidato.
Nitong Martes, nagpulong ang mga party-list lawmakers na dinaluhan ng 40 miyembro kung saan kanilang ipinahayag ang suporta sa 11 senatorial candidates ng administrasyon.
Sa nasabing pulong, nanawagan si dating Appropriations panel Chair at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa mga PCFI members na suportahan ang 11-pro administration candidates ni President Marcos.
Binigyang-diin ni Co na magpapalit man ang political dynamics subalit ang kanilang suporta ay mananatili sa mga kandidato ng administrasyon.
Siniguro ng Kongresista na kanilang ikakampanya ang mga kandidato mula sa barangay hanggang sa mga rehiyon.
Binigyang-diin ni Rep. Co dapat ang Senado ay dapat binubuo ng mga lider na nakakaintidi sa legislation.
Aniya kung nais talaga natin ng reporma kailangan ng Kamara ng mga partners na makikiisa sa kanilang mga adhikain.