-- Advertisements --
Maaari pa ring mag-substitute ang party-list organizations ng kanilang nominees kahit tapos na ang May 9 subalit dapat ay mayroong approval mula sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia na mayroong paraan kung saan ang isang partylist organization ay maaaring palitan ang kanilang nominees at ito ay halimabawa na lamang kung ang lahat ng nominees ay mag-withdraw o mamatay ay maaaring ma-substitute ang lahat ng nominees.
Subalit anumang mga pagbabago sa partylist ay kailangan aniya na mayroong approval ng Commission en banc.
Wala din aniyang deadline para sa substitution.