-- Advertisements --
Nanawagan ang ACT Teachers party-list kay Pangulong Rodrigo Duterte na patunayan ang pangako nitong taasan ang sahot ng mga guro sa pampublikong paaralan gayundin ang sa mga government employees.
Nabatid na ang ika-apat at panghuling tranche ng salary increase para sa mga government workers sa ilalim ng Executive Order 201 ay maibibigay ngayong taon.
Pero ang para sa mga guro, sinabi ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro, ay napapanahon nang ibigay na rin ng pamahalaan.
Binatikos naman din ng kapwa niya kongresista na si Rep. Antonio Tino ang argumento ng ilang business groups, gayundin ng Department of Educations, na ang sahod ng mga public school teachers ay mataas ngayon kumpara sa mga guro sa pribadong paaralan.