-- Advertisements --

Hiniling ng Workers’ and Peasants’ Party (WPP) sa Commission on Election (COMELEC) na kanselahin ang kandidatura ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sinabi ni Atty. Sonny Matula na ang party senatorial slate ni Quiboloy ay hindi otorisado.

Dagdag pa nito na hindi miyembro ng kanilang partido at hindi nila naging nominado ang lider ng Kingdom of Jesus Christ.

Base kasi sa COC ni Quboloy na ito ay tumatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng WPP tickets.

Pero ayon sa CONA nito na pirmado ito ng abogado niiyang si Atty. Mark Tolentino na hindi naman otorisado ng partido na pumirma.

Bukod pa dito ay hiniling ng grupo na dapat ideklara ng COMELEC si Quiboloy bilang nuisance candidate.