-- Advertisements --
Naghain ng petisyon sa Comelec ang isang grupo ng kabataan para ibasura ang nominasyon kay dating National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema.
Matatandaang si Cardema ang nag-assume bilang nominee ng Duterte Youth Movement, makaraang umatras ang misis nitong si Ducielle Marie Suarez.
Kabilang sa mga naghain ng reklamo sa Comelec sina Aunell Ross Angcos, Cyra Aurelio at Hannah Navarroza.
Ayon sa kanilang abogado na si dating Comelec Chairman Sixto Brillantes, malinaw na paglabag sa batas ang pagiging nominee ni Cardema dahil lagpas ang edad nito para sa isang youth group.
ang dating NYC head kasi ay 34-anyos na, habang ang maaaring maging youth representative sa Kamara ay hanggang 30-anyos lamang.