Natapos na ngayong araw ang raffle para sa pagkakasunod-sunod ng mga Party-List Groups at Orgnaizations o Coalitions sa Official Ballot ng 2025 National and Local Elections sa Commission on Elections (COMELEC) Main Office, Intramuros, Manila.
Sa naganap na raffle, ang 4Ps o Pagtibayin at Palaguin ang Pangkabuhayang Pilipino ang nakakuha ng unang puwesto sa buong 160 na official na partylist.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, para sa mga walang representative na nakapunta ngayong araw ay ibibigay pa rin sa kanila ang mga nakuhang number ng kanilang Partylist. Hinimok niya rin ang mga mananalong partylist na pagtuunan ng pansin ang RA 7941 dahil kailangan na itong magkaroon ng ‘re-examination’.
Kasabayan ng pagkakaroon ng raffle ng COMELEC ay ang pagkakaroon din ng protesta ng Partido Lakas ng Masa (PLM) at Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) sa labas ng Palacio del Gobernador. Ang sigaw nila ay dapat i-disqualify ang mga dinastiya na nasa partylist at manggagawa naman ang bigyan-pansin. (report from Bombo YSA COTONER)