-- Advertisements --

Hinimok ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ang mga kapwa mambabatas sa senado na bigyang prayoridad ang pagpasa sa panukalang Magna Carta for Barangay Health Workers (BHWs).

Sinabi ni Cong. Reyes na matagal ng nagtitiis ang mga Barangay Health Workers at napapanahon na para pakinggan ang kanilang mga hinaing.

Ginawa ni Reyes ang panawagan matapos mabatid na nasa mahigit 80,000 Barangay Health Workers ang tinanggal ng walang due process ng mga barangay officials na nanalo nuong nagdaang October 30 barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Binigyang-diin ng Kongresista na mali ang ginawa ng mga bagong halal na barangay officials na tanggalin ang mga barangay health workers.

Una ng inihain ni Reyes ang House Bill No. 1829 ang Magna Carta para i-empower ang mga barangay health workers na bigyan ang mga ito ng dagdag na health benefits, sapat na compensation, at incentives.

Nuong December 12, 2023 inaprubahan na ng Kamara sa third and final reading ang nasabing panukalang batas.