Isinusulong ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang panukalang naglalayong magkaroon ng “future-proof” learning materials sa mga pampublikong paaralan sa bansa ng sa gayon maresolba na rin ang matagal nang problema ang hindi sapat na mga aklat para sa mga mag aaral sa mga public schools.
Naniniwala kasi si Cong. Yamsuan na ang susi para makamit ang kambal na adhikain ay palakasin ang partnership sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at National Book Development Board (NBDB) na siyang magbalangkas at magpatupad ng National Textbook and Learning Resources Plan na nakasaad sa House Bill 10734.
Paliwanag ni Yamsuan ang kaniyang inihaing panukalang batas ay sagot sa matagal ng problema ng mga public school learners na hirap sa pag-aaral dahil kulang o wala man lang silang magamit na textbooks.
Giit pa ng mambabatas, malaking kawalan sa abilidad ng mga estudyante na makapag-aral ng maayos lalo na sa mga subjects na Math, Science at Reading, kung saan nakitaan ng mababang test scores and mga mag-aaral na Pilipino.
Ipinunto ni Yamsuan na sa kabila ng mayruong pondo para bumili ng mga textbooks, ang DepEd ay nakapag procure lamang ng 27 types of textbooks para sa Grades 1 to 10 simula nuong 2012.
Simula ng maipakilala ang K to 12 curriculum, tanging mga textbooks para sa Grades 5 at 6 ang nabili ng DepEd.
Naniniwala si Yamsuan na ang nasabing problema ay maaring resolbahin kung amyendahan ang probisyon ng NBDB Charter sa ilalim ng Republic Act 8047.
Sa panukala ni Yamsuan ang HB 10734 ay niri-require ang DEpeD na i-phase out ang kanilang elementary and secondary textbook publication and distribution functions sa loob ng tatlong taon.
” To “future-proof” public school textbooks, the measure redefines the meaning of the term “book” to include electronic publications. As our world becomes increasingly digital, aligning the definition of books to cover electronic forms reflects the way Filipinos consume information today. Ang bagong kahulugang ng salitang ‘book’ o aklat na ngayon ay kasama na ang mga e-books at iba pang katulad nito ay magtitiyak na laging nakasabay ang mga estudyanteng Pilipino sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya,” pahayag ni Yamsuan.
Sa ilalim ng nasabing panukala, bubuo ng Textbook Review Committee na siyang intasang mag evaluate at pumili ng mga textbooks at teachers’ manuals na gagamitin para sa public schools.
“This dedicated committee will guarantee that the quality of textbooks procured meets educational and industry standards. The bill requires that public school textbooks be reviewed, evaluated and revised ,if necessary, every five years,” pahayag ni Yamsuan.