Isinusulong ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang panukalang batas naglalayong payagan ang retroactive pay hikes sa mga local government units na isang pribiliheyo na hindi nararanasan dahil sa restrictions sa ilalim ng batas.
Ayon kay Yamsuan na dating ang kaniyang panukalang batas ay magtitiyak sa mga LGU employees na matrato ng patas gaya ng kanilang mga counterparts na nagtatrabaho sa executive, legislative at judicial branches of government.
Inihain ni Yamsuan ang House Bill (HB) 10865, na layong tanggalin ang restrictions sa ilalim ng Republic Act 7160 or the Local Government Code (LGC).
Sinabi ni Yamsuan na kinumprima mismo si Budget Secretary Amenah Pangandaman na panahon na para amyendahan ang LGC ng sa gayon parehas ang benepisyo na makukuha ng mga LGU employees sa iba pang kawani ng pamahalaan.
“Hindi ito patas at hindi makatarungan sa ilalim ng ating Saligang Batas (This is not fair and just under our Constitution). The equal protection clause enshrined in our Constitution also applies within the sphere of public service. Employees in the LGU sector deserve to enjoy the same benefit of receiving retroactive pay increases mandated by the government,” pahayag ni Yamsuan said.
Umaasa si Yamsuan na, aprubahan ng kaniyang mga kapwa mambabatas ang inihain nitong panukalang batas.
Sa ilalim ng panukalang batas, inatasan nito ang LGUs sa pakikipag ugnayan sa Department of Budget and Management (DBM) na tumukoy ng appropriate sources para sa pondo na gagamitin para sa retroactive application ng salary increases at adjustments.