Suportado ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang panawagan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para taasan ang ang food and medical allowance ng mga persons deprived of liberty (PDLs) sa ilalim ng panukalang 2025 national budget.
Ayon kay Yamsuan ang kasalukuyang P70 daily budget sa pagkain at P15 bawat araw na medical allowance sa bawat PDL sa ilalim ng pangangalaga ng BJMP ay hindi sapat para mapanatili ang kanilang nutritional and health requirements.
Sa isinagawang budget deliberations ng House Committee on Appropriations para sa BJMP’s proposed 2025 budget, hiniling ni Jail Director Ruel Rivera na taasan ang food allowance sa P100 per day at ang gamot ay P30 a day naman para sa gamot.
Binigyang-diin ni Yamsuan na wala ng nutrisyon na makukuha ang mga PDL sa kanilang pang araw araw na pagkain ganoon din sa kanilang medical allowance..
Bukod kay Yamsuan suportado din ng Commission on Human Rights (CHR), ang hiling ng BJMP na taasan ang food and medical allowance para sa mga PDLS.
Dagdag pa ni Yamsuan nagpapalala sa estadong pangkalusugan ng mga PDLs ang matinding congestion sa mga kulungan, kakulangan ng mga health professionals at ang P15 per day medical allowance.
Batay sa datos ng BJMP mayruon lamang silang 16 medical officers at tatlong psychiatrists para magbigay ng health care services sa mga PDLs.
Isinusulong ni Yamsuan ang panukalang House Bill 8672 na layong i-unify ang fragmented correctional system na isailalim sa iisang department ang BJMP sa DILG at ang correctional and jail services sa mga provincial governments; at ang Bureau of Corrections (BuCor), Board of Pardons and Parole (BPP); at ang Parole and Probation Administration (PPA)na kasalukuyang nasa ilalim ng DOJ.