-- Advertisements --

Malaking bagay ang mga kumprehensibong suporta at mga transformative initiatives ng national government partikular sa local agriculture, fisheries at community development para sa progreso ng Bicol region.

Dahil dito, lubos na pinasalamatan ni Appropriations panel Chairman at Ako Bicol Party-List Rep. Elizaldy Co si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga ibinigay nitong tulong at suporta sa rehiyon.

Ginawa ni Rep. Co ang pahayag ng bumisita sa Bicol si PBBM at namahagi ng tulong sa mga magsasaka, mangingisda at maging sa kanilang mga pamilya.

Binigyang-diin ng Bicolano lawmaker ang kahalagahan ng mga programa sa pagpalakas sa food security, healthcare at housing o pabahay.

Nasa tig P10,000.00 na cash assistance ang ibinigay ng Presidente sa mga beneficiaries na mga magsasaka, mangingisda at sa kanilang pamilya na mula sa Albay, Sorsogon, Masbate, at Catanduanes.

Bukod pa sa pinansiyal na tulong, namahagi din ang Pangulo ng mga essential agricultural inputs kabilang ang farm equipment, machinery, fertilizer, seedlings, piglets, feeds, animal vaccines, at mga bangka mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Binigyang-diin ng Kongresista na ramdam sa bawat sulok ng Bicol region ang buhos na biyaya mula sa gobyerno.

Sinabi ni Co na ang mga programang ito ay nagpapataas ng kalidad ng buhay at nagbibigay ng bagong pagasa at inspirasyon sa mga Bicolano.

Sa kabilang dako, sinabi ni Co na ang legacy sa Housing project ng pamahalaan ay nagbibigay ng ligtas at disenteng pamumuhay sa bawat pamilyang Pilipino.

Binigyang-diin ni REp. Co na makakaasa ang mga Bicolano sa matibay at tuluy-tuloy na suporta ng House of Representatives sa mga adhikain para sa bansa.