Suportado ni House Committee on Aquaculture and Fisheries Resources Chair at Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang hakbang ng Department of Agriculture (DA) na i-black list ang mga fish importers at iba pang mga food products na sangkot sa smuggling at illegal trade.
Ayon kay Yamsuan malaking epekto sa hanapbuhay ng mga lokal at maliliit na mangingisda ang fish smuggling.
Binigyang-diin ni Yamsuan na hindi lamang magtatapos sa pag blask list sa mga smuggler ng isda kundi dapat sampahan din ang mga ito ng kriminal na kaso. Inihayag ng Kongresista na kaniyang aabangan ang magiging update sa nasabing hakbang ng Department of Agriculture sa ilalim ng pamumuno ni Secretaru Francisco Tiu Laurel.
Ginawa ni Yamsuan ang pahayag kasunod ng statement ng DA na nasa apat na importers ang natukoy na sangkot sa illegal trade o smuggling activities, isang rice importer, dalawang fish traders at isang sugar importer.
Aprubado na ng Senado at Kamara ang panukalang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na layong palakasin ang RA 10845 kabilang ang hoarding, profiteering at cartel bilang isang aksiyon ng economic sabotage.
Sa ngayon hinihintay na lamang itong lagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos para maging ganap na batas.