Tiniyak ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang kaniyang suporta sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kanilang mga proyekto na nakatuon para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) lalo na ang pagbibigay oportunidad sa mga ito na maging produktibo habang nakakulong.
Inihayag ni Yamsuan parte ng kaniyang personal mission ay tulungan ang mga PDLs.
Dahil dito nakipag partner ang congressional office ni Yamsuan sa BJMP kung saan kanilang inilunsad ang PDL Livelihood Products Exhibit nuong Martes sa North Wing area ng House of Representatives’ sa Batasan Complex sa Quezon City.
Binigyang-diin ni Rep. Yamsuan na ang mga Persons Deprived of Liberty ay hindi lamang mga bilanggo, kundi mga indibidwal na may pangarap, may kakayahan, at may karapatan sa pangalawang pagkakataon.
Dagdag pa ng Kongresista na sa pag uland ng bansa, bahagi ng kanilang tungkulin ang siguruhing kasama ang mga PDLs sa bawat hakbang tungo sa mas mabuting kinabukasan.
Kabilang sa mga produkto na gawa ng PDLs ay mga sumusunod: “diamond” paintings, painted pots, handmade bags, homemade pastries and candies, scented candles at iba pang mga souvenir items.
“Through meaningful projects like this, we empower them to improve their skills and uncover their potential while supporting their families despite incarceration,” pahayag ni Yamsuan.
Sina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at ACT TEACHERS Rep. France Castro ang kabilang mga special guests na dumalo sa opening ng exhibit.
Pinasalamatan naman ni Yamsuan si BJMP, Director Ruel Rivera sa pagtatayo ng exhibit at ang pagpapatupad ng proyekto na layong palakasin ang morale at dignidad ng mga PDLs.