-- Advertisements --

Nanawagan si Senator Koko Pimentel na dapat ay mabago ang kalakaran sa Partylist system.

Sinabi ng Senate Minority Leader, na sa mga nakikita niyang mga Partylist group ngayon ay hindi na nila nirerepresenta ang mga sektoral group.

Mahalaga na ang mga mambabatas ay magpasa ng revision para tuluyang mabago ang nasabing kalakaran.

Magugunitang una ng inamin ng Commission on Election na patuloy ang pagdami ng bilang ng mga grupo na bumubuo ng mga partylist group ang naghain.