-- Advertisements --

Ipinatupad na ng Japan ang parusang bitay laban sa dalawang lalaki na hinatulan dahil sa pagpatay.

Ito ang unang pagpapatupad ng parusang kamatayan sa bansa ngayong taon.

Kinilala ang mga binitay na sina Koichi Shoji, 64-anyos at Yasunori Suzuki, 50-anyos.

Si Shoji ay nagnakaw at pumatay ng dalawang babae sa Kaganawa noong 2001 habang si Suzuki ay pumatay ng tatlong babae matapos ang pagnanakaw nito noong 2004.

Umaabot na sa 38 mga naibitay mula ng manungkulan si Japanese Prime Minister Shinzo Abe noong 2012.