-- Advertisements --

Ibinunyag ng isang opisyal sa Hong Kong na isang pasahero mula sa PIlipinas ang nakitaan ng bagong variant ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Chuang Shuk-kwan, ang namumuno ng Communicable Disease Branch ng Center for Health Protection ng Hong Kong, dumating ang pasahero noong Disyembre 22 lulan ng Philippine Airlines flight PR300.

Hong Kong OFW arrival OFWs DFA airport COVID

Ang ibang mga pasyente na kanilang binantayan mula Disyembre 22 hanggang Enero 4 ay nagpositibo ng UK variant ay nagmula sa United Kingdom at France.

Dagdag pa ni Chuang, ang UK variant ng COVID ay nagsimula ng kumalat noon pang Setyembre kung saan bumabiyahe ng ilang beses ang mga tao kaya inaasahan na ito ay lumilipat na sa ibang mga bansa.

Dahil dito ay nakikipag-ugnayan ang Department of Health ng Pilipinas para makakuha pa ng ibang detalye sa nasabing ulat ng mga otoridad sa Hong Kong.