-- Advertisements --

ROXAS CITY – Hindi napigilan ng isang pasahero na i-share sa social media ang kanyang pagkadismaya matapos diumano hindi ito payagan ng konduktor ng Ceres bus na may biyahe Estancia, Iloilo na makasakay dahil sa dalang aso.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay alyas Jenny, sinabi nito na galing siya sa Iloilo at bumaba sa Roxas City Integrated Transport Terminal (RCITT) dala ang apat na bag at aso.

Pumila ito kasama ang ibang pasahero sa Ceres Bus Liner na papuntang Estancia, Iloilo simula 5:00 ng hapon hanggang nakaakyat sa bus 6:30 ng gabi.

Hindi nito inasahan na habang nakaupo na, lalapitan ng kondukto at paba-bain dahil bawal ang aso sa loob ng bus.

Ipinagtataka lamang ng pasahero kung bakit pinagbawalan ito ng konduk-tor ng nasabing ceres bus liner dahil kung tutuusin ceres bus rin ang sina-kyan nito mula Iloilo at hindi naman siya sinita at sinabihan na bawal ang aso.

Napag-alaman na naka-diaper ang aso ng tagreklamo na si Jenny.

Sa ngayon ay gusto lamang maliwanagan ni Jenny kung pinagbabawal ba ang pagsakay sa regular bus ng aso.