-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Umapela ng tulong ang Philippine Coast Guard (PCG) Aklan sa lahat ng mga mariners na lumalayag sa karagatang sakop ng lalawigan ng Aklan na agad iparating sa kanila sakaling may mapansin o palatandaan ng nawawalang pasaherong lalaki na umano’y nahulog sa dagat sa bahagi ng Buruanga, Aklan na nangyari noon pang Enero 29, 2025.

Kinilala ni Lieutenant Junior Grade Jayson Lavadia, station commander ng PCG Aklan ang pasahero na si Gene Boy Malipaonon, 48 anyos at residente ng Barangay Tambo, Ayongon, Negros Oriental.

Habang naglalayag ang MV St. Michael The Archangel mula sa Dumaguete Port ay sinasabing nahulog ang pasahero sa katubigan ng Buruanga kung kaya’t kaagad nila itong ipinaalam at nagsagawa ng search and rescue operation ngunit hindi pa rin nakita ang biktima.

Inalerto rin nila ang mga dumadaan na barko kabilang na ang ibang sakayang pandagat at maging ang mga mangingisda upang makatulong sa pagsisikap nilang mahanap ang nasabing pasahero.

Pasahero na umano’y nahulog sa barko nang dumaan sa karagatan ng Buruanga, Aklan patuloy na pinaghahanap ng PCG