Tinanggal ng American Airlines ang isang pasahero dahil sa pagtanggi nitong pagsuot ng face mask.
Ayon sa pasaherong si Brandon Straka, na pinayuhan siya ng airline company na magsuot ng facemask bilang bahagi ng safety protocol laban sa COVID-19.
Dahil sa hindi pagpayag ni Straka ay hindi na siya pinasakay sa Flight 1263 mula New York patungong Dallas, Texas.
Depensa ni Straka na walang batas na nagsasabing dapat itong magsuot ng face mask sa LaGuardia Airport sa New York.
Mula pa kasi noong kalagitnaan ng Mayo ay pinapasuot ng halos lahat ng mga airline companies ang kanilang mga pasahero ng face mask para hindi na kumalat pa ang coronavirus.
Si Straka ay isang dating actor at hairstylist ay tinawag na isang kalokohan ang pagpapasuot ng facemask ng mga pasahero ng pampasaherong eroplano.