-- Advertisements --

Nagsampa ng kaso ang ilang pasahero ng Grand Princess cruise ship na nasa California laban sa may-ari nito dahil sa pag-expose sa kanila ng coronavirus.

Ayon sa mag-asawang Ronald at Eva Welssberger, na pinabayaan sila ng Princess Cruise Lines na mahawaan ng nasabing virus.

Naging maluwag aniya ang kanilang pag-screen sa mga pasahero at wala man lamang ginawang testing kung ang mga ito ay positibo sa virus.

Hinahayaan daw nila ang mga 62 na positibo sa virus na makisalamuha sa ibang mga pasahero hanggang ilabas na sila ay positibo nitong Marso 5.

Dagdag pa ng mag-asawa na walang mga opisyal ang nagtungo sa barko para makita ang kalagayan ng mga ito.

Magugunitang nasa port of Oakland, California na ang barko kung saan inilagay agad sa quarantine ang mga nadapuan ng virus habang pinauwi na ang iba pa.