BAGUIO CITY – Nagpositibo nang dalawang beses sa coronavirus disease (COVID-19) sa Malaysia ang isang 83-year-old American national na pasahero ng Westerdam Cruise Ship.
Matatandaang ang naturang cruise ship ay tinanggap ng Cambodia matapos itong ma-deny ng limang bansa kabilang na ang Pilipinas dahil sa pangamba sa kumakalat na sakit.
Ayon sa Malaysian health authorities, isa ang pasyente sa 145 na mga cruise passenger na bumiyahe mula Phnom Penh, Cambodia patungong Kuala Lumpur.
Natigil naman ang pagpapauwi sa ilang mga pasahero dahil sa pangambang mayroon pang ibang positibo sa virus. Samantala, ilan sa mga pasahero ng cruise ay nakabalik na sa kani-kanilang mga bansa.
Sa panayam ng Star FM Baguio kay Diana Walker Neve, American passenger ng Westerdam na kasulukuyang na-hold sa Cambodia dahil sa sitwasyon, may isinagawa pang ilang tests sa kanila at hinihintay pa nila ang magiging desisyon ng cruise line at ng mga otoridad.
“It’s a very fluid situation that’s changing all the time. We were all tested yesterday with the nose and throat swab. Some 500 to 600 people, they [already got] a lot of test results back and so far they’ve all been negative. So we are just waiting here in the hotel until we receive word. We are kind of just in a holding pattern until really the medical people are in charge of this. When they release us, and clear us, I believe Holland America is planning to immediately make flight arrangements.”
Nasa 236 na pasahero at 747 na crew ang nananatili sa loob ng cruise ship. Samantala, mayroong mga Pinoy crew at performers na nakauwi na sa Pilipinas habang nasa Cambodia pa ang ilan.