BUTUAN CITY – Sa kabila ng madaliang pagresponde ng mga personahe mula sa Terminal Management Office (TMO) ng Brgy. Lipata, Surigao City, kasama ang Philippine Coast Guard at iba pang mga responding agencies, nalagutan pa rin ng hininga ang 51-anyos na lalaki matapos tumalon mula sa isang cargo vessel kagahapon ng hapon habang malapit na sa Punta Bilar sa nasabing lungsod.
Ang biktimang kinilalang si Martino Havana Cortez Jr., ay nagmula sa Lubang, Occidental Mindoro, at sumakay sa LCT Georgia 1 ferry at patungo sana sa Lipata Port sa Surigao City nang ito’y tumalon pasado alas-12:30 kahapon ng hapon.
Isang pasahero ang nakasaksi sa pangyayari at kaagad na ipinaalam sa mga tripolante kung kaya’t kaagad na pinahinto ang makina at tumalon naman ang crew member na si Helmer Cabucos upang iligtas si Cortez.
Kaagad namang nagpadala ng rescue teams ang TMO Lipata at ang Coastguard kung kaya’t nang matagpuan ang biktima ay dinala ito sa Caraga Regional Hospital para sa medikal na atensyon ngunit hindi na ito nailigtas pa.
Patuloy pa ring inalam ang motibo sa pagtalon ng biktima na nag-iisa lang sa pagbiyahe