Mabilis na nirespondehan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang matandang pasahero na nakaranas ng kritikal na health emergency habang sakay ng barko sa Calapan Port, Oriental Mindoro.
Sa panahon ng loading operations, isa sa mga tripulante ng barko ang nag-alerto sa PCG at Philippine Ports Authority (PPA) na isang 72-anyos na pasahero ang nakaranas ng biglaang pagkahilo, na humantong sa pagkawala ng malay at kawalan ng tugon sa ibinigay na first aid.
Natukoy na residente ito ng Bongabong, Oriental Mindoro at hinihinalang may dati nang karamdaman.
Kasama ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO)-Oriental Mindoro, mabilis na inihatid ng PCG at PPA ang pasyente sa pinakamalapit na ospital para sa kinakailangang medical intervention.
Payo naman ng mga otoridad sa may mga dati nang iniindang sakit na maglalakbay, magpasama sa kaanak o sinumang malapit sa kaniya para magsilbing guide o kaya naman ay makapagbigay ng impormasyon kung sakaling may maitalang medical emergency.
-- Advertisements --