-- Advertisements --

Nagpaabot pa rin ng pasasalamat ang Houston Rockets sa pag-alis ng kanilang superstar na si James Harden para lumipat sa Brooklyn Nets.

Tinawag ni Rockets owner Tilman Fertitta na “amazing” ang walong taon ni Harden sa team.

Dinala raw kasi nito ang koponan sa playoffs ng maraming beses.

rOCKETS JAMES HARDEN 1

“On behalf of the entire Rockets organization and the City of Houston, I’d like to thank James Harden for an amazing eight-plus seasons in a Rockets uniform,” ani Fertitta sa statement. “James has provided us with so many great memories as we’ve watched him grow from Sixth Man of the Year to a perennial All-Star and MVP.”

Para naman sa shooting guard na si Eric Gordon, sa wakas daw ay magkaakron na sila ng tunay na direksiyon.

Sa ngayon ay may tiyansa na raw ang team at mga players na tumayo sa sariling mga diskarte.

“Everyone else on the team can hone in and not worry about his situation,” wika pa ni Gordon. “We can just move forward.”

Kung maalala bago nalipat si Harden sa Brooklyn, bumanat pa ito sa rockets at hindi itinago ang pagnanais na mailipat sa ibang koponan.

Ang Rockets center naman na si DeMarcus Cousins ay binatikos si Harden dahilan umano sa “kawalan ng respeto” at “unfair.”