-- Advertisements --

DAGUPAN CITY-Marami pa rin ang pasaway na kandidato.

Ito mismo ang inihayag sa Bombo Radyo Dagupan ni Police Lieutenant Colonel Joseph Fajardo Jr., Officer in Charge ng Malasiqui Police Station.

Ayon sa opisyal, sa kabila ng kaliwat kanan nilang pagsasagawa ng ‘Oplan Baklas’ ay hindi pa rin umano matapos tapos ang pag aalis nila ng mga campaign materials o campaign posters na iligal na nakakabit sa ibat ibang lugar.

Katuwang ng Commission on Elections (Comelec) pati na ang mga tauhan ng DPWH ginagawa umano ng kapulisan ang pagtatanggal ng mga samu’t-saring campaign paraphernalia ng mga kandidato sa nasyunal na lebel.

Karamihan naman aniya sa kanilang binaklas ay posters na nakasabit sa poste ng kuryente at nakapako sa punong kahoy.

Samantala, tiniyak naman ni Fajardo na mananatiling apolitical sa darating na halalan ang kanilang hanay. Todo paalala umano ito sa kanyang mga pulis na huwag makilahok sa anumang partisan political acitivity dahil kung hindi ay mananagot sila sa batas.