-- Advertisements --

Ibinasura ng Pasay Metropolitan Trial Court ang isang kaso na isinampa ng actor na si Sandro Muhlach laban sa mga independent contractor ng isang TV network na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Inaprubahanng Pasay City Court Branch 46 ang motion to quash nina Nonez at Cruz sa dalawang acts of lasciviousness laban sa kanila.

Ayon sa Pasay Court, na ang paghahain na isang “overkill” na ang paghain ng acts of lasciviousness dahil kasama na ang nasabing elemento sa kasong rape at sexual assault na inihain ng Department of Justice sa Pasay Regional Court.

Magugunitang noong nakaraang taon ng ireklamo ng actor ang dalawa dahil sa ginawang pangmomolestiya matapos ang pagdalo nila sa isang event.