Nagpasa si Pasay City Mayor Emi- Calixto Rubiano ng Executive Order na nag-aatas sa paglimita ng paglabas ng mga hindi bakunadong indibidwal.
Base sa nasabing ordinansa na hinihikayat ang mga ito na manatili na lamang sa kanilang bahay.
Maari lamang silang makalabas kapag bibili ng essential goods at services.
Paglilinaw naman ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, na matapos na mailagay sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) mula Pebrero 1 hanggang 15 ay natanggal na ang paglimita sa paggalaw ng mga hindi pa bakunadong indibidwal.
Paglilinaw din nito sa kaso ng lungsod ng Pasay ay mayroon itong karapatan na maglabas ng ordinansa sa paglimita ng paggalaw ng hindi bakunadong indibidwal.
Hinahanap kasi ng mga mall sa lungsod ng Pasay ang vaccination cards at inilista din nila ang mga maaring puntahan ng mga hindi bakunadong indibidwal gaya sa grocery, clinics at kukunin ang mga pangalan ng mga hindi bakunadong indibidwal na kanilang isusumite sa Pasay City Government para agad na mai-schedule ng pagpapabakuna.
Patuloy din na iniimplementa sa lungsod ang curfew sa mga minor edad 17 pababa mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.