-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng mahigpit na online monitoring ang Pasay City Police matapos ang paghingi ng tulong sa banta laban kina Senator Sherwin Gatchalian at Senator Risa Hontiveros.

Ayon kay Police Major Paul Benjamin Mandane, ng Pasay City Police Sub-station Commander, na mula ng matanggap nila ang sulat sa dalawang senador ng paghingi nila ng tulong ay nakipag-ugnayan na sila mga iba’t-ibang ahensiya.

Tinutukoy na rin nila kung sino ang nasa likod ng nasabing pagpapakalat ng pagbabanta sa dalawang senador.

Magugunitang ibinunyag ng nabanggit na senador na may kumalat online na nagbayad umano si Bamban Mayor Alice Guo ng tig-P5 milyon para patahimikin ang dalawang senador.