Magsasagawa ng preliminary investigation ang Pasay City prosecutor’s office (OCP) sa kaso ng importasyon ng iligal na droga laban sa anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na si Juanito Jose Remulla III.
Ayon kay Justice Prosecutor General Benedicto Malcontento na sinampahan si Juanito Remulla ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Noong Oktubre 14, non-bailable o walang piyansa ang kaso ni Juanito may kinalaman sa possession of illegal drugs sa criminal charge sheet na inihain ng Las Pinas City OCP sa regional trial court (RTC).
Ayon sa DOJ official, ang inisyal na isinampa ang kaso sa Las Pinas City OCP na naghayag na nagpasya na dapat itong i-refer sa Pasay City OCP.
Makailang ulit na ring iginiit ni Justice Secretary Remulla na hindi ito makikialam sa kaso ng kaniyang panganay na anak.
Bagamat ang rulings ng city at provincial prosecutors ay maaaring i-apela sa Office of the Secretary of Justice para sa pag-review.
Subalit sinabi ni Remulla na huwag na itong paabutin pa sa kaniya at harapin na lamang sa korte.
Ayon pa sa Justice Secertary na ang kaniyang pinsan ang kinuhang abogado ng kaniyang anak.
Una na ring sinabi ni Remulla na hahayaan niyang gumulong ang hustisya at dapat na harapin ng isang indibdiwal ang consequences ng kaniyang nagawa kasunod ng pagkakaaresto ng kaniyang anak dahil sa iligal na droga.
-- Advertisements --