-- Advertisements --

Sa ikalawang pagkakataon, tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Sa anunsyo ng Pasay public information office (PIO) ngayong araw ng Linggo, sumailalim sa COVID test ang alkalde matapos makaranas ng pananakit ng lalamunan o sore throat nitong Sabado.

Sa ngayon ay naka-isolate na ang 61-anyos na alkade habang inaalam pa ng mga otoridad kung anong variant ang tumama rito.

Pebrero noong nakaraang taon nang unang beses magka-COVID si Calixto-Rubiano.