-- Advertisements --

Binigyang-pugay ni Pascal Siakam ng NBA champion Toronto Raptors ang kanyang pinanggalingang bansa na Cameroon kasunod ng pagkakakuha nito ng Most Improved Player award.

Ayon kay Siakam, umaasa ito na ang kanyang award ay magsisilbing inspirasyon sa kabataan sa Africa na magpursigi upang makamit ang kanilang pangarap.

Ang 25-year-old forward ay naglista ng average na 16.9 points at kasama sa starting lineup ng 79 sa 80 para sa Raptors sa kanyang ikatlong taon sa team.

Nagrehistro rin ng 26 na 20-point outings si Siakam matapos na umiskor lamang ng 20 puntos kada laro sa kanyang unang dalawang season.

Noon namang Game 1 ng NBA Finals nang kumamada si Siakam ng 32 points upang ialay sa Toronto.

Nagapi ni Siakam sina De’Aaron Fox ng Sacramento at D’Angelo Russell ng Brooklyn.

Sa iba pang mga parangal, sinungkit ni Mavericks star Luka Doncic ang NBA Rookie of the Year; Lou Williams bilang NBA Sixth Man of the Year; Rudy Gobert bilang NBA top Defensive Player; at Mike Budenholzer bilang NBA Coach of the Year sa ikalawang sunod na pagkakataon.