Pinayagan ng Pasig City Regional Trial Court na makadalo sa pagdinig sa senado si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa inilabas na kautusan ni Pasig City RTC Brach 167 Presiding Judge Annielyn Medes-Cabelis, na kanilang pinapayagan ang hiling ng Senate committee on women, children, family relations, and gender equality na makadalo ng personal si Guo sa pagdinig sa darating na Oktubre 8.
Dagdag pa nito na ang Senado ay isang co-equal branch ng judiciary.
Kasama rin na pinayagan ay ang kapwa co-accused ni Guo sa operasyon ng POGO na kinabibilangan nina: Jamielyn Santos Cruz, Thelma Barrogo Laranan, Rita Sapnu Yturralde,
Rowena Evangelista sy Rachelle Joan Malonzo Carreon.
Inatasan din ng korte si Pasig City Jail Female Dormitory Officer-in-Charge Jail Inspector Jocelyn RiƱo na tiyakin ang seguridad ni Guo at mga nabanggit na kasamahan nito.