-- Advertisements --
pasig mayor vico sotto covid

Mamamahagi si Pasig City Mayor Vico Sotto ng libreng coronavirus disease 2019 (COVID-19) anti-body tests sa kaniyang mamamayan.

Ayon sa alkalde, magsisimulang ipamigay ang 300 slots ng free testings simula sa Biyernes, Agosto 14 mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga.

Dapat munang tumawag sa ibinigay na numero ang mga residente para makapagpareserba dahil mahigpit nilang pinagbabawal ang walk-in clients.

Mahigpit din na susundin ang first-come-first serve basis.

Sakaling magtagumpay ang nasabing proyekto ay gagawin na nila itong araw-araw.

Ang testing ay iba sa testing sa mga close contacts at may sintomas na galing sa kanilang Operation Center at health center.

Ang isasagawa nila ay isang uri ng ECLIA testing o enhance chemiluminescence immunoassay o ang fully automated COVID-19 antibody test na na-verified na ng Food and Drugs Administration ng US at dito sa Pilipinas.