-- Advertisements --

Nagpamigay ng mga face shield ang city government ng Pasig City sa mga tricycle drivers at taxi drivers.

Ito ay dahil sa nalalapit na paghihigpit nila ng nasabing pagsusuot ng face shield bukod pa sa face mask par alabanan ang pagkalat ng coronavirus.

Nakasaad rin ang nasabing kautusan sa ordinansa na ipinasa ng Sangguniang Panglungsod na ito ay ibinase sa guidelines ng DOLE, IATF at DTI.

Magugunitang kailangan ng magsuot ng mga face shield sa mga pambulikong transportasyon, indoors gaya ng opisina, tindahan at iba pa.